Sunday, September 27, 2015

SOCIAL MEDIA: Noon at Ngayon


Iba na talaga ang panahon ngayon kaysa noon,
Kung ang pag-uusapa’y tungkol sa komunikasyon,
Radio ang kinukuhaan ng impormasyon noon,
Telegrama  naman sa emerhensyang iparating doon.

Simpleng pamumuhay makikita sa mga tao,
Sa lahat ng bagay sila’y nakuntento,
Pero pagdating ng mga kagamitang moderno,
Simpleng buhay unti-unting nagbago.

Telebisyon ang pinagkukunan ng balita’t impormasyon ngayon,
Telepono ang ginagamit sa komunikasyon,
Ito’y nakatutulong sa mga tao,
Upang alamin ang pangyayari doon at dito.

Cellphone at computer, dumating naman,
Kaliwa’t kanan ito’y naging libangan,
Bata’t matanda may cellphone hinahawakan,
At ang iba nama’y nasa computeran.

Simpleng magsasaka may hawak na cellphone,
Text-text sakay sa likod ng kalabaw,
May sariling facebook para sa komunikasyon,
At dito na rin dinadaan ang panliligaw.

Sa facebook narin nagkaroon ng maraming kaibigan,
Dalaga’t binata dito narin nagkatuluyan,
Dito mo malalaman ang tunay na katauhan,
At makikita mo rin ang iba’t ibang larawan.

Saan man naroroon ang iyong mahal sa buhay,
Andyan ang skype na sayo ay nag-aalalay,
Tuloy parin ang inyong kasiyahan at lambingan,
Dahil kung kayo’y magkausap andyan sya sa iyong harapan.

Marami pang social media,
Na sa atin ay makapagbibigay saya,
Kaya kung ikaw ay may problema at nalulungkot,
Kunin ang computer at ika’y pumindot.

Hay naku! Iba na talaga ang buhay ngayon,
Larawan palang, nakarating ka na sa ibang nasyon,
Iba’t ibang lugar na iyong iniilusyon
Dala ng social media na dumating ngayon.

Pero ito lang ang masasabi ko,
Sa paggamit ng social media magdahan-dahan kayo,
Baka isa rin kayo sa mga maloko,
Tulad sa mga balitang naririnig nyo.

Social media ay hindi nakakasama,
Kung ito’y ginagamit lang sa tama,
Kaya sa aking  mga kababata,
Social media gamitin sa mga bagay na mahalaga.

No comments:

Post a Comment